Monday, July 30, 2012

Original Demo: Kundiman

My first attempt at an original song in the native tongue of my motherland, the Philippines. I thought it appropriate to write a simple kundiman.
             
KUNDIMAN is a genre of traditional Filipino love songs. The lyrics of the Kundiman are written in Tagalog. The melody is characterized by a smooth, flowing and gentle rhythm with dramatic intervals. Kundiman was the traditional means of serenade in the Philippines. (source: Wikipedia)






KUNDIMAN / Ikaw Lamang
       
Ikaw lamang
Ikaw lang ang may kaalaman 
Ng tunay na
Dahilan kung b’at narito ako,
Narito ako
Nakaharap sa ‘yo.
   
Ikaw lamang
Ikaw lamang may karapatang
Hawakan ang
Aking puso at maramdaman,
maramdaman
Ang nararamdaman ko
        
Minsan, pag tayo’y magkasama
Hindi ako makahinga
Dahil alam ko ang iniisip mo
Nababasa sa iyong mata
      
Ikaw lamang
Ikaw lang ang may kaalaman
Ng tunay na
Dahilan kung b’at narito ako.
Narito ako
Nagmamahal sa ‘yo.
          
Minsan pag tayo’y magkasama
Hindi ako makahinga
Dahil di ko makapaniwala
Na minamahal mo rin ako
      
Ikaw lamang
Ikaw lang, aking inaasam,    
Sa ‘yo lamang
Ako’y susulat ng kundiman
Isang kundiman
Para lamang sa yo.
    
Lyrics and vocal arrangement: Cara Manglapus
Melody: Francis Manglapus

No comments:

Post a Comment